? ??????????????????? ????Easy Install Instructions:???1. Copy the Code??2. Log in to your Blogger account
and go to "Manage Layout" from the Blogger Dashboard??3. Click on the "Edit HTML" tab.??4. Delete the code already in the "Edit Template" box and paste the new code in.??5. Click BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS ?

Thursday, October 8, 2009

Kabilib-bilib


Ang pinoy ay henyo.bakit henyo? sa kabila kasi ng problema o pagsubok na nararanasan nating mga pinoy, ay patuloy pa din tayo sa mga bagay na nasimulan..
na sa kalaunan nagtatagumpay din.
Gaya na lamang ni Pedro Flores( unang pinoy na nagpasimula ng yoyo sa bansa)
Noong una nahirapan siya,. hindi pa kasi sikat ang yoyo noon sa ating bansa at mahirap gamitin ito..
Maliit pa lang ang negosyo ng mga laruan niya noon..
Pero kalaunan sa sikap at pagtitiyaga niya..napabuti at napaunlad niya ang paggawa at pagpapakilala sa yoyo. Isa na siya sa kuhanan ngayon ng ibat ibang klase ng yoyo simula sa pinakaluma hanggang sa mga "modern yoyo" ng iba't ibang bansa.
At isa pa si Francisco Quimbing( unang pinoy na naggawa at nagimbento ng "quink ink")
ang sikat na 'PARKERS ink'- ang na imbentong ink ni Quimbing ang ginagamit ng parkers ink ngayon..
Isinununod sa kanyang apelyido ang Quink Ink na nagawa niya
Noong una nagkaroon siya ng problema.. na baka hindi mag "click"
o baka tanggihan siya pero sinubukan niya,ginalingan kaya ngayon ang dami ng nakikinabang sa nagawa niya
Ang galing nila hindi ba?.. mga pinoy yan.
Patunay ano mang uri o bagay ang ginagawa nating pinoy.
Tagumpay pa din tayo
Sa lakas ng loob at tiyaga kaya tayo nagtatagumpay
Sabi nga ng iba, may anting anting tayo. ang hindi nila alam hindi tayo agad sumusuko kahit na nahihirapan tayo.
Dalawa lang sila sa dami ng mga pinoy na talang dumaan sa kakaibang pagsubok,sa larangan na mayroon sila.Na naging tanyag hindi lang dito sa bansa natin..Kundi sa ibang bansa din.

Monday, October 5, 2009

"Think Positive, Walang aayaw"


'Jose Rizal, Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo ay iilang lamang sa mga henyong bayaning Pilipino na lumaban para makamit ang ating kalayaan. Matitinding pagsubok ang pinagdaanan , maging ang kanilang mga sarili ay isinugal makamit lamang ang inaasam na pagwagayway ng ating pinakamamahal na watawat. 'Pilipino nga naman, gagawin ang lahat maging matagumpay lamang.
'Lahat tayo ay nangangarap umasenso sa buhay ,maging maginhawa ang araw-araw na pamumuhay ngunit hindi natin maiwasan na sa ating kalagitnaan ng ating mapangarap na paglalakbay ay may mga pagsubok na tayo ay kahaharapin. Pagsubok na susubok sa atin kung paano maging matatag at matapang. Nariyan na aabot sa punto na tayo ay susuko at hindi na lalaban. Pero hindi ba't nanalaytay sa atin ang dugo ni Andres Bonifacio, isang dugong matapang at hindi marunong sumuko.
'Kung padamihan lang naman ng problema na titiyak ko na "winner na winner" dyan ang mga pinoy! simulan natin sa problema sa pag ibig, nawalan ng mahal sa buhay, nasunugan at higit sa lahat ang walang kamatayang kahirapan na walang sawang idinadaing ng mga pilipino. Naku! mapalaki man o mapaliit na problema ay talagang dinidibdib ng mga pinoy, "dramang bukid" nga kung tawagin ng ilan sa atin.
Nakakatawa kung tutuusin problema na nga pinuproblema pa! hay buhay nga naman. 'Pero lagi lang nating tatandaan na hindi lang tayo ang nagmamay-ari ng lahat ng problema sa mundo. Marami pa dyan na higit na mas mabigat pa, ang mga problemang kinakaharap. "Always think positive, walang aayaw," dahil may diyos tayo na laging handang umalalay at tumulong sa atin. At higit sa lahat, lagi nating ilalagay sa kukote natin na tayo ay mga Pilipino, henyo at hindi marunong sumuko. '

at tandaan ang linya sa kantang ito;

"there's always a rainbow,
after the rain..

Wednesday, September 30, 2009

"Sikap at Tiyaga Ang Susi sa Tagumpay"


Magbobote, ito ang karaniwang makikita natin sa lansangan, karaniwan din natin itong hinahanap kung tayo ay mga boteng nais ibenta. Nagsisikap sila para sa kanila at sa kailag pamilya para sa kanilang pangkain sa araw-araw.Ang pagbili ng bote at bakal sa iba't-ibang bahay ay ang nagsisilbing hanabuhay nila.Sa trabahong ito kailangan ang sipag at tiyaga.

Huwag nating mamaliitin ang trabahong ito dahil marami-rami narin ang gumanda ang buhay dahil sa dito.Isang halimbawana dito ay ang isang magbobote sa aming lugar..Naging maginhawa ang kanyang kanyang buhay.Nagsimula siya sa pagiging magbobote at nagkaroon ng sariling junkshop at dahil sa kanyang pagsisikap nagkaroon na siya ng sariling bahay.Isa lamang siya sa iilang Pilino na nagsikap upang itaguyod ang kanayang sarili at pamilya.

Hindi hadlang ang kahirapan sa pag-unlad sa buhay.Hindi rin ito kumporme sa esatdo ng buhay natin at sa kung anong trabaho meron tayo.Kailangan lang natin magsikap para sa ikauunlad ng ating buhay hindi tayo dapat maging pala asa sa iba.At higit sa lahat kailangan para natin isa-isip at isa-puso ang pangalan ng Diyos dahil alam naman natin na hindi niya tayo pababayaan.

“Mas masarap sabihing nagtagumpay ako sa dahil sa sariling pagsisikap ko.”


Tuesday, September 29, 2009

Pagsali sa mga Paligsahan: Nagdulot ng Tagumpay

Masasabi nating mahirap na ang buhay sa kasalukuyang panahon at sa mga lumipas pa ngunit paano nga ba nalalagpasan ng mga Pilipino ang kani-kanilang mga problema? Sa mga nagdaang taon, marami sa ating mga kababayan ang nanatiling matatag upang malagpasan ang mga kinakaharap na problema. Mayroon rin namang nagnanais na maging artista at sumikat upang maiahon ang kanilang pamilya sa kahirapan. Ilan sa mga Pilipinong ito na nagtagumpay sa kabila ng kahirapan ay tanyag na sa ating industriya.


Sa larangan ng musika, kilala si Regine Velasquez bilang isang magaling na mang-aawit. Nagmula siya sa isang simpleng pamilya. Guro ang kanyang ina na nagturo sa kanyang umawit. Kasama ang kanyang ama na inilulubog siya sa isang drum ng tubig upang gumanda ang kanyang boses. Laman siya ng iba’t ibang singing contest. Palagi siyang nagwawagi pero hindi dito tumigil ang kanyang pagsisikap upang marating ang tagumpay. Ang pagkapanalo niya sa “Ang Bagong Kampeon” ang naging tulay niya upang umangat sa buhay. Sa pagkapanalo niya bilang “Grand Prize Winner” ay unti-unti siyang nakilala sa larangan ng “showbis”. Sa ngayon, isa siya sa kinikilala bilang pinakamahusay na mang-aawit kung kaya’t kilala siya sa tawag na “Asia’s Songbird”. Dahil sa pagnanais na maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan ay nagsikap siya upang marating kung ano man ang mayroon sila ngayon. Dedikasyon, sipag at tiyaga upang marating ang rurok ng tagumpay.

Samantala, si Manny Pacquiao na kilala sa larangan ng boksing dahil sa akin nitong galing. Buhat siya sa Lungsod ng General Santos. Noon ay isa siyang ordinaryong mamamayan at boksingero ngunit unti-unti siyang nakilala. Inilaban siya sa iba’t ibang boksingero at nagkamit na siya ng limang panalo. Itinayo niya muli ang karangalan ng ating bansa. Nag-uwi siya ng mga tropeyo, medalya at pera. Bunga ng pagkapanalong ito, umayos ang kanilang buhay. Nakapagpatayo siya ng bagong bahay at hindi niya ipinagkait sa iba ang kanyang tagumpay. Ibinahagi niya ito sa mga nangangailangan o sa mga taong kapos sa buhay. Ang kampyon na ito ay kilala bilang “People’s Champ” at “Pacman.”

Sa dalawang magkaibang buhay na ito, sila ay may iisang layunin na maiahon ang kanilang pamilya sa kahirapan dahil ang tangi lamang problema ng tao sa ngayon ay kakapusan sa pera. Nais lamang nila ng kaginhawahan na lahat naman tayo ay iyon ang mithiin. Naging henyo ang mga Pilipino sapagkat sa kahit anong pagsubok sa buhay, nagtagumpay pa rin sila sa pamamagitan ng pagsusumikap at pagtitiyaga. Nakilala ang mga Pilipino sa iba’t ibang dako ng bansa bilang mahusay sa iba’t ibang larangan.

TAGUMPAY

Tagumpay, Anong silbi niyan kung hindi ka marunong manalig sa Diyos?


Si Ed "among" Panlilio ay isang simpleng pari.Lagi niyang inuuna ang Diyos sa lahat at bukas ang puso niya para sa mga tao.Mahal na mahal niya ang mga tao kaya hindi niya pinayagang manaig ang katiwalian sa aming lugar.Kaya nagpasya siyang kumandidato bilang gobernador ngunit hindi nangangahulugan na tinalikuran na niya ang Diyos sa halip ay pinili niyang paglingkuran kung sino ang higit na nangangailangan.Marami ang bumatikos at. kabi-kabila ang mga paratang pero hindi niya pinansin ang mga naninira sa kanya.Lalong tumibay ang pananalig niya sa Diyos.At nang sumapit ang araw ng eleksiyon,siya ang nahirang bilang aming bagong gobernador.Nanatili pa rin siyang may takot sa Diyos sa kabila ng tagumpay na nakamit niya..


Manatiling may takot sa Diyos kahit ano mang tagumpay ang ating narating sa buhay.
>